Malamang lahat tayo dito sa espiya at least above 18 na (dito na ako titigil at baka magalit pa)
. Naaalala niyo pa ba ang kultura ng Pilipinong bata? Noong mga panahong wala pa si Prince Arthas ng Warcraft, hindi pa naririnig ang salitang "headshot" o "comsat".
Madalas nakakatanggap tayo ng mga e-mail (o nakakabasa ng libro ni Bob Ong) na ang sentimyento ay ganito. Gusto ko naman sanang tayo naman ang mag-contribute. Pakipost po ang mga laro (pakibigay ang pinaka-common na rules na ginagamit ninyo kasama ang mga variation), mga bansag (mga katawagan, mga insulto, mga pakanta-kantang nakakatuwa kung ikaw ay nakikinig lang, nakakainis kung ikaw ang pinariringgan), mga kanta (at binaboy na kanta o commercial jingle) at mga "necessary skills" tulad ng tamang paglalaro ng trumpo, sipa, jackstone, atbp. Iyung mga jokes pakilagay na lang sa appropriate thread (Humor).