Espiya

Secrets Revealed => Personal Secrets => Company Secrets => : kamoteng kahoy March 08, 2011, 10:40:45 PM

: SM Santa Mesa
: kamoteng kahoy March 08, 2011, 10:40:45 PM
Hi Guys, may nagkwento saakin na chinese friend ko na nung Ondoy daw nung nabaha SM santa mesa , yung SM managment shut the retracting doors nung grocery, tapos di daw pinayagan lumabas mga kahera at bagger kasi gusto nila ma account yung pera sa register, dahil locked sila sa loob di sila makatakas nung tumaas yung tubig at madami daw nalunod, binayaran nalang daw nila lahat nung namatayan para tumahimik, medyo skeptical nga ako sa kwento, pero naging usapan daw sya among the chinese community. I tried searching around the net pero ni rumour wala, pero grabe naman if real.
: Re: SM Santa Mesa
: yamatoyukihiro March 09, 2011, 12:43:06 AM
I'm not so sure about this one. Para walang magreklamo o exposure na makuha from the media napakalaking pera ng binayad sa mga kamag-anak, kung kung totoo man yan.
: Re: SM Santa Mesa
: jackulito69 March 09, 2011, 12:59:17 AM
yan din ang kwento ng isang friend ko from sta mesa. dami nga daw namatay at nagbayad na lang daw sa mga namatayan and sa media para tumahimik kaya nga creepy daw yung sa grocery section. langya naman yun management nila kung totoo yun.mas importante pa ba pera sa buhay ng tao tsktsktsk...
: Re: SM Santa Mesa
: The Dark Knight March 09, 2011, 01:11:03 AM
nasaan si 3D? mga ganitong post gusto nya eh, may kinalaman sa SM..:)

kung maraming namatay, may sisingaw at sisingaw..mga pinoy pa, kahit bayaran pa nang milyon...isang alak lang ibubunyag na pinkatatagong sikreto nun....imagine that!
: Re: SM Santa Mesa
: Pierro7 March 09, 2011, 02:30:23 AM
come to think of it...more than a month (i think) sarado in public ang lower ground floor ng sm sta. mesa.
but still, i don't want to think na totoo ang rumor.
: Re: SM Santa Mesa
: TobleRONe March 09, 2011, 02:45:49 AM
actually ang naunang rumor ay maraming ang namatay due to electrocution.

nang bumaha sa grocery section, maraming nakuryente.
: Re: SM Santa Mesa
: ms_tintilicious March 09, 2011, 09:00:00 AM
totoo ung rumor...
: Re: SM Santa Mesa
: euroii March 09, 2011, 09:12:23 AM
this is bull crap sus... nakakainit ng ulo
: Re: SM Santa Mesa
: c0rn3lius March 09, 2011, 09:42:52 AM
this is bull crap sus... nakakainit ng ulo

umayos ka first post mo ganyan ang post mo? kung bull crap ang topic, di sana hindi ka na nag post...

@topic...kasiraan ng sm yan kung totoo yan...
: Re: SM Santa Mesa
: beaverjohn2006 March 09, 2011, 09:50:05 AM
tsismis lang yan, nagtanong ako kay lucifer tan, ;D ;D
 di raw totoo. at kung totoo yan maraming tao makokonsensiya diyan.... ;)
: Re: SM Santa Mesa
: akiko_samara March 09, 2011, 12:22:35 PM
Isa lang po ang namatay, sa cr na area sa lower ground floor po, na trap siya sa loob kasi hindi niya nakita palabas dahil nawalan ng kuryente and walang emergency light sa area na yun, hindi po employee yung namatay, namimili po siya sa SM nung time na yun.

Ganun talaga ang SM, news black-out ang ginagawa para sa credibility nila, katulad nung nasunog ang SM San Lazaro meron ba nakaalam, wala, ang nakaalam lang mga consignor ng SM, kaya ko alam yan kasi isa kami sa consignor ng SM at 50% discount ang binaba namin nung nagka-ondoy at nung nasunog ang SM San Lazaro
: Re: SM Santa Mesa
: im_mr_very_happy_now March 09, 2011, 01:18:13 PM
possible nga to in the case na malaking pera ang naging involve kaya nanahimik na lang.... if totoo man to buhay pa ang mga may gawa nito sinusunog na ang kaluluwa di bale ng may mamatay na tao hwag lang mawalan ng tsk tsk tsk
: Re: SM Santa Mesa
: Pierro7 March 09, 2011, 01:58:17 PM
masyado namang cruel kung totoo nga yan.
yung mga ganyang tao, i believe sa kwento/tsismis lang nag-e-exist.  laffman::

at akiko_samara, what is consignor and how should I pronounce it?
: Re: SM Santa Mesa
: TobleRONe March 09, 2011, 05:53:23 PM
masyado namang cruel kung totoo nga yan.
yung mga ganyang tao, i believe sa kwento/tsismis lang nag-e-exist.  laffman::

at akiko_samara, what is consignor and how should I pronounce it?
kon-say-nor.

halimbawa manufacturer ako, yun produkto ko ipapadisplay/consign ko sa SM para ipabenta sa kanila.
: Re: SM Santa Mesa
: Pierro7 March 10, 2011, 02:03:05 AM
kon-say-nor.

halimbawa manufacturer ako, yun produkto ko ipapadisplay/consign ko sa SM para ipabenta sa kanila.
ah...yun pala ang term dun...
salamat. ang akala ko nung una ang basa ay kon-sin-yor...  laffman::
but still, i don't believe such cruelty ... hindi ako fan ng SM or something.. pero kung tao sila ay may takot sa Diyos...hindi sasagi sa isip nila yun.
: Re: SM Santa Mesa
: kamoteng kahoy March 10, 2011, 02:53:09 AM
nasaan si 3D? mga ganitong post gusto nya eh, may kinalaman sa SM..:)

kung maraming namatay, may sisingaw at sisingaw..mga pinoy pa, kahit bayaran pa nang milyon...isang alak lang ibubunyag na pinkatatagong sikreto nun....imagine that!
hehehe di ko nga alam yung kwento na yan pero after ko nagawa tong thread nakita ko yung ibang thread about SM naisip ko na baka isipin nang tao ako yung unang poster  laffman:: Pero sana talaga di totoo kasi imagine if real grabe eh mas worse pa ata sa Maguindano massacre yun.
: Re: SM Santa Mesa
: TongueNoneNew March 10, 2011, 03:07:18 AM
Dito sa Marikina/Antipolo area, may bali-balita rin na ganyan sa Robinson's Metro East saka sa Ever Gotesco sa Ortigas Extension.  Yung sa Metro East, nasa parang staff room daw sa basement yung mga namatay.  Nalunod daw dahil biglang taas yung tubig, and yung mga pinto di na nabuksan dahil palabas lang ang bukas nito, at di maitulak dahil sa pressure nung baha.  At least di naman daw sinadyang ikulong sila sa loob.

Di ko rin alam kung totoo or "urban legend" lang ang mga istoryang ito.
: Re: SM Santa Mesa
: kornx March 10, 2011, 03:52:11 AM
narinig ko na din ito dati, news black out nga ata, mga ganid kasi sa pera, ganun ata sakit nila, super yaman na nga ang nasa isip pa nila paano pa maging mas mayaman, bale wala mga buhay at seguridad ng mga tao nila basta hindi sila maisahan, kung may kulangan man sa mga cash register nila that time, mga barya lang yun para sa kanila, pero masmalaki pa nawala sa kanila sa pagbayad sa mga namatayan. ibang klase talaga mag-isip pera muna bago buhay, alam kaya nila na hindi nila maidadala kayamanan nila sa pagkamatay nila?
: Re: SM Santa Mesa
: mincedmice March 10, 2011, 08:52:50 AM
Sakin kayo maniwala, I work there. Walang katotohan to, the water level rises at a slow pace, kung mag imagine kasi ang mga tao OA, liit lang ng bukana ng pasukan ng tubig ang lawak ng buong supermarket tagal na puno yun parang impossible may d nakalabas. marami pa nga kami hindi pinalabas kasi nga d na safe sa labas mataas na tubig, marami nag overnight sa parking kahit maaga pa hindi sila pinauwi for their safety
: Re: SM Santa Mesa
: neckromancer March 10, 2011, 12:55:19 PM
Malabong mangyari iyan. E di sana may magagandang naikwento sa amin iyung co-teacher ko na na-trap dun nung Ondoy? Yung mabaho e yung gulay, karne at isda na nabulok sa supermarket. Mababa nga yung supermarket, at nasa tabi ng ilog ang SM Sta Mesa, pero sa supermarket, may limang exit papunta sa taas. May ramp pa para sa mga naka-wheelchair. Bago pa ito nai-renovate maluwag na yung mga turnstile sa grocery area. Ang minalas e yung UERM dahil bumigay nga iyung pader sa likod, pumasok iyung tubig-ilog at nagresult dun sa youtube video.

Ako nga pala e na-trap naman sa UERM nung Ondoy. Dun kami natulog sa tapat ng cadaver room. Could have been exciting, pero wala. :(
: Re: SM Santa Mesa
: glock45 March 10, 2011, 01:41:32 PM
bakit ngayon lang yata lumabas ang mga ganyang espekulasyon, kung totoo man ito or haka haka..Diyos na lang ang nakakaalam sa mga taong ganyan pagdating ng araw paparusahan din sila... sana naman ibinunyag na ito ng maaga para maimbistigahan..... ::investigate
: Re: SM Santa Mesa
: BlueAlphaZero March 10, 2011, 02:54:29 PM
Dito sa Marikina/Antipolo area, may bali-balita rin na ganyan sa Robinson's Metro East saka sa Ever Gotesco sa Ortigas Extension.  Yung sa Metro East, nasa parang staff room daw sa basement yung mga namatay.  Nalunod daw dahil biglang taas yung tubig, and yung mga pinto di na nabuksan dahil palabas lang ang bukas nito, at di maitulak dahil sa pressure nung baha.  At least di naman daw sinadyang ikulong sila sa loob.

Di ko rin alam kung totoo or "urban legend" lang ang mga istoryang ito.

If I'm not mistaken, another version of this particular tale involves SM Marikina. Personally, I doubt if it's true. I'm more inclined to believe the tale regarding one of the managers at SM San Lazaro who supposedly has a harem (for lack of a better term) composed of some of the cashiers and salesladies working there.
: Re: SM Santa Mesa
: ratbukayo March 10, 2011, 03:03:40 PM
ang balita ko din totoo ito. madami nakulong sa loob at nalunod o nakuryente. binayaran na lang ng sm mga namatayan at ilan sa media. puede mabilis akyat ng tubig. grabe bumaha yang lugar na yan.
: Re: SM Santa Mesa
: LETRANKNIGHT March 10, 2011, 07:23:49 PM
One of my relative is working at SM San Lazaro..sa management po siya yung nangyaring sunog don ay sa stock room daw  faulty electrical wiring  daw di  naman malaki pero nauusakan daw yung mga items  kaya nag sale...YUn naman daw sa SM Sta.Mesa may kumalat daw na balita  sa kanila pero di nya sure...
: Re: SM Santa Mesa
: mr.techie March 10, 2011, 08:53:49 PM
for me po parang di totoo... if theres smoke there is fire.. sa ugali ng mga pinoy ndi pa lumalabas yan sa public??? common guys. kahit malaking pera pa ang involve jan..lalabas at lalabas yan..
: Re: SM Santa Mesa
: ratbukayo March 11, 2011, 06:08:30 PM
diba hinabol dati ng nbi ang shell for tax evasion worth billions? may narinig ka pa ba? pag ganyan atang di celebrity o
politician amg concerned, natatahimik sa lagay. yun lang sa tingin ko.
: Re: SM Santa Mesa
: TongueNoneNew March 23, 2011, 04:58:56 AM
If I'm not mistaken, another version of this particular tale involves SM Marikina. Personally, I doubt if it's true. I'm more inclined to believe the tale regarding one of the managers at SM San Lazaro who supposedly has a harem (for lack of a better term) composed of some of the cashiers and salesladies working there.

Malabo nga siguro yung sa SM Marikina.  Kasi, sa design pa lang niya, you can tell na na take into account yung possibleng pagbaha.  Kasi nga yung lower basement parking niya, pwede isarado kung tumaas yung ilog, tapos may alternative exit dun sa higher level yung sasakyan, at di na umabot yung baha dun (I should know kasi, dun sa carpark natulog yung isang relative ko).

Yung sa Robinsons Metro East, mas plausible pa, kasi below street level yung supermarket, at malalim ang baha sa kalsada.
: Re: SM Santa Mesa
: BlueAlphaZero March 23, 2011, 11:01:06 AM
Malabo nga siguro yung sa SM Marikina.  Kasi, sa design pa lang niya, you can tell na na take into account yung possibleng pagbaha.  Kasi nga yung lower basement parking niya, pwede isarado kung tumaas yung ilog, tapos may alternative exit dun sa higher level yung sasakyan, at di na umabot yung baha dun (I should know kasi, dun sa carpark natulog yung isang relative ko).

Yung sa Robinsons Metro East, mas plausible pa, kasi below street level yung supermarket, at malalim ang baha sa kalsada.

Well, with a story or stories like these, I'm reminded of what a character from Ring (or Ringu, of you prefer) said: "This kind of thing... it doesn't start by one person telling a story. It's more like everyone's fear just takes on a life of its own. Or maybe it isn't our fear. Maybe it's what we secretly hope is true."
: Re: SM Santa Mesa
: legleg101 June 05, 2011, 04:58:03 PM
taga santol lang ako as in mal;apit na malapit lang sa sm sta mesa

ang tsismis dito sa brgy namin as in marami nga daw namatay dyan nung time na bumaha

kasi na trap nga daw dun at after a few days eh grabe yung amoy na umaalingasaw dun

ang amoy eh parang naaagnas na di mo mawari... sure na sure ako dun sa amoy kasi

nag try pa kaming mag lakwatsa dun after a few days at yung mga tao dun sa loob lahat

lalo na yung mga employee eh may takip ang ilong at yung mga taong nag pupunta dun

di nag tatagal...
: Re: SM Santa Mesa
: dyes June 05, 2011, 06:33:05 PM
Sa mga malapit sa sm sta mesa matanung lang kung sino ang mga first responder nung nangyari ang pagbaha? Gano katagal stranded mga tao dun?  ::moreinfo
: Re: SM Santa Mesa
: raynier June 14, 2011, 04:42:39 PM
napakaimposible naman yan... siguro kapanipaniwala pa kung ang tsismis e irerecycle ung mga delata at iba pang goods ng SM na dinale nung baha.... pero pag ganyang scenario,, wala naman sigurong tanga pamilya na tatahimik na lanag diba?
: Re: SM Santa Mesa
: bodieph June 14, 2011, 05:39:38 PM
kahit ako duda dito. if ever may namatay man dun sa loob, konte lang. tama yung sabi, impossibleng macontrol lahat ng mga pamilya ng mga namatayan na tumahimik nalang. siguro kung mga tipong less than 5 or something, plausible pa. pero yung sabing marami namatay kahit gaano pa karaming pera ialok dyan, meron talaga dyan na magsasalita.
: Re: SM Santa Mesa
: Pierro7 June 15, 2011, 06:01:07 AM
Sa mga malapit sa sm sta mesa matanung lang kung sino ang mga first responder nung nangyari ang pagbaha? Gano katagal stranded mga tao dun?  ::moreinfo
napadaan lang ako dun. binaybay namin ang Ramon Magsaysay Blvd na hanggang bewang ang lalim para makarating sa LRT VMapa station.
beyond that, lagpas bewang na. especially sa UERM.
and the Grocery section ng SM Centerpoint ay nasa Lower Ground floor.
but still, I have no idea kung ilan (if meron nga) ang na-stranded.