Pare, di ka ba naka-auto detect ng connection sa network settings? Tsaka yung setup ba, naka-set sa wireless at hinde wired? Wired kasi ang dine-detect ng PS3 by default.
Sa akin kasi, automatic na basta na-set ko sa wireless at pinapa-auto detect ko sa unit ang connection. Di ko na kailangang i-fill up yang mga IP address, subnet mask, etc. na yan. PS3 na mismo nagsasabi kung anong details ang applicable. Ang gamit ko yung USB wifi adaptor na kakabit ko sa PC na may internet para magsilbing access point. P500 lang sya sa CDR King.
Check ko bukas yun eksaktong steps sa dashboard. Tulog na kasi si misis ngayon, baka magising pag pinaandar ko ang unit.