More Questions sir.
1. Bakit USD?
2. Ilang taon contract mo jan?
3. Magkano total na gastos mo sa agency,etc.
2. Yung USD 1800, buo mong nakukuha yun?
Interview na 'to ah. hehehe. Okay sige sagutin natin.
1. Halos lahat naman yata kasi ng contract sa mga OFW is USD basis. Parang iyan ang universal currency na ginagamit ng mga employer. Pero syempre kung ano yung currency na ganagamit sa bansang pupuntahan mo, yun ang makukuha mo. Equivalent kung ilang dollar ang salary mo.
2. Yearly ang contract. After 1 yr pwede magbakasyon. Bakasyon kung pina-extend ka ng company. Pero kung hindi naman, edi exit ka na nun.
3. Sa agency wala ako binayad kahit piso. Bakit? Kasi request ako ng company. Actually may kapatid din kasi ako dito. So nung mangailangan ng IT, pinasa nya yung CV ko sa IT Manager, then nung nagustuhan yung qualification ko, pinorward nila yung CV ko sa TUEM, and yung TUEM na ang nag process lahat. Kaya sinabi ko na dumaan din ako sa agency. Ang nagastos ko lang is medical (2700), NBI (700 kasi may padulas dahil pinaurgent yung releasing. 2 days lang nakuha ko na kahit hit ako.) plus yung pamasahe ko lang from province to manila (3000 siguro kasi naka 3 luwas din ako) plus yung sa PDOS pala (150 yata. nakalimutan ko na eh). Tapos yung company na yung nagbayad ng plane ticket, visa at processing ng papers ko sa TUEM. Walang deniduct sa sahod ko. Sagot talaga lahat ng company.
4. Yap. Buo ko nakukuha yung sahod ko. Actually basic lang yang 1800 na yan. 2300 to 2500 ang average salary every month kasama OT. Pag may long holidays (eid for example), umaabot sya ng 3000.