ang alam ko jan dapat proficient ka in a certain language & at least 3-5 languages ka maalam including JAVA.
in a nutshell aral ka 5 languages then choose one you prefer to be pro in it.
analysis kasi labanan jan.
DEV nga pala ang boom sa programing languages FYI.
targetin mo mga call center. DELL sa libis & IBM.
ACCENTURE also mabilis mag level up jan ang career.
jan mga classmates ko ngayon eh.
Opps System Analyst yata ang tinutukoy mo which is malayo sa Systems Engineer.
Pag gusto mo maging Systems Engineer sa field ng IT go for Microsoft or Redhat. Locally available ang Microsoft dito, meron din yan mga platinum partners like HP and IBM.
- HP - maganda and promising ang benefits with early retirement plan. Accepting sila ng newly grads. Usually September to October ang timeframe pag nag shortlist sila. Visit mo na lang yung Jobs @ HP. Dalawa ang entity ng HP dito sa atin, HP Phils Corp & HP Asia Pacific. HP Phil Corp is more on local projects, facing customers at onsite supports. HP Asia Pacific is for Global Projects, usually remote lang lahat and no customer facing.
- IBM - yung mismong IBM hindi nag aacept ng newly grads, ipapasa ka lang sa IBM Solutions Delivery in which hindi masyado maganda ang benefits at mababa magbigay ng basic salary.
- Macquarie - Accepting din sila ng newly grads. Actually open na sya ngayon. Promising din ang benefits with early retirement plan.
- Pag nag call center ka gumuhu na ang pangarap mong maging Systems Engineer dahil walang ganun sa mga current call center facilities natin. Usually ang mga Systems Engineering support ay in-house sa mga companies at hindi lang basta pumasa sa speaking skills kundi certified SE rin sila.
I visit mo na lang ang mga websites nila pala maka pag apply ka. Siguro naman alam mo na kung anong particular sa site nila ang hahanapin mo.
Goodluck Mate!