well my BAD, bagong gising ako, sowee....
nagka leche-leche ang quote sa pagbasa ko renzmazou.... ok no big deal nalang sa reply ko....
that's my MISTAKES.....
BTW! di para sa iyo ito, sa mga taong nakakarinig ng rumor at naniniwala agad sa paratang....
AGAIN THII IS NOT FOR YOUR DRENG RENZMAZOU...Ano ba ang BASEHAN ng INC upang iboto ang isang kandidato? BY:Readme
Hindi ko alam ang eksaktong sagot dito,unang una dahil 1st time ko pa lang boboto sa May 13, at pangalawa, hindi naman ako kasali sa "Church Administration" para masagot ito. Pero isa lang ang alam ko, at nasabi na ito sa mga pagsamba, ang binoboto ng INC ay ang kumikilala sa Iglesia. period.
Sasabihin ng ilan, ibig sabihin pala hindi nyo binabase sa bibliya ang pagsuporta sa kanila? Sasabihin din nila, eh bakit yung ilan sa mga binoto nyo mga kurakot, gumawa ng masama etc... etc...
Bakit? Meron pa bang pulitiko ngayon ang hindi nadawit sa ibat ibang mga eskandalo at masasamang gawain? May perpekto bang pulitiko? Kapag binoto ba ng INC ibig sabihin puro kabutihan at kabanalan ang gagawin ng isang pulitiko na hindi rin naman INC member?
Kahit naman iboto ng Iglesia ni Cristo ang mga PINAKAMABABAIT at PINAKAMABUBUTI sa mga kumakandidato imposibleng pag naupo na siya eh hindi siya masasangkot sa kung ano anong eskandalo at mga usapin.
At ang mga kadalasan naman atang "mabubuti" at "mababait" eh yun yong konti lang ang sumusuporta, kaya kung iboboto sila ng Iglesia ni Cristo, kahit madagdagan pa sila ng 2 milyon kung sila yung mga pinaka kulelat HINDI RIN NAMAN SILA MANANALO. At kung wala man lang miski isang nanalo sa mga sinuportahan ng Iglesia ni Cristo, anu pat nag bloc voting kami? PARA SA WALA?
Ikaw, boboto ka ba sa mga kulelat? Bumoto ka pa, nasayang lang pagboto mo miski isa walang nanalo.
At kung saka-sakaling nanalo ang mga ibinoto mo, at nung naupo na sila eh nadawit at nasangkot sila sa mga eskandalo at masasamang gawain, dapat ba na ISISI SAYO KUNG BAKIT SILA MGA KURAKOT AT MASASAMA?
Bumoto ka lang naman eh. Dun na natatapos ang responsibilidad mo. Hindi mo naman siguro kasama sa responsibilidad mo na bantayan ang binoto mo sa buo nyang termino habang tinitiyak na wala siyang gagawing masama o hindi siya masasangkot sa mga eskandalo.
Ang mga nahalal ang gagawa ng history nila.
Kung sa buong termino nila eh mangungurakot lang sila o tutulong ba talaga sa mga Pilipino.
Ibig sabihin ba kung sakaling naging masama silang pinuno, KASALANAN MO? Kasi nung kumakandidato sila napaka-plastik nila na parang di nakakagawa ng masama, tapos nung binoto mo na saka lumabas ang totoong ugali. KASALANAN MO KASI HINDI MO NAHULAAN YUNG MGA GAGAWIN NILANG MASASAMA!