Ads by Espiya.Net

Author Topic: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?  (Read 2629 times)

deosh_pilyo

Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« on: December 04, 2008, 03:45:04 am »
Sino ang dapat na Pmbansang Bayani?
Si Rizal ba o si Bonifacio


Lakandiwa : deosh_pilyo

minsan sa eskwelahan ako ay natanong
ng guro ko sa history na alam kong sobrang dunong
sagot na hinimay ko'y saan kaya paroroon
pagkat isip ay salawahan, pagpili ay walang hantong

kaya ka-espiya ako nawa ay tulungan
na malaman kung sino ang bayani na tinuran
si RIZAL ba o BONIFACIO ang dapat na hangaan
na ilagay sa pedestal at patuloy na papurihan

 ::investigate

IWM

  • Meet the real Mother F'r
  • MILF Negotiators
  • Trade Count: (0)
  • Active - Top Level
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 506
  • -Received: 1005
  • Posts: 6598
  • 187 eCoins
  • View Inventory
  • Send eCoins to IWM
  • Karma 123
  • Gender: Male
  • Hide your moms...
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #1 on: December 04, 2008, 03:51:42 am »
Naalala ko si pedro na tinanong ng kanyang guro
Kung sino ang pumatay sa bayaning si Bonifacio
Si pedro ay nagulat at di makasalita.
"Ma'am hindi po ako!" ang sagot ng bata. ;D

Talino at pisikal na tapang,
Alin nga ba ang mas matimbang?
Para sa akin, kay Rizal ako.
Sapagka't sya ay isang HENYO.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

-= x_X_x =-

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #2 on: December 04, 2008, 04:07:10 am »
ako kay bonifacio...

para sa akin mas heroic ang ginawa nya...

opinion ko lang naman un... ;D   toast::

Kabute

  • Proud member of K.K.K.E. Clan
  • Banned - Terms Violation
  • Trade Count: (0)
  • Active - Top Level
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 96
  • -Received: 129
  • Posts: 3115
  • 0 eCoins
  • View Inventory
  • Send eCoins to Kabute
  • Karma 155
  • Pagkakaisa ng lahat ng magka-Brad
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #3 on: December 04, 2008, 04:09:14 am »


RIZAL xempre.... toast::  ;)


audio_X

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #4 on: December 04, 2008, 06:23:34 am »
walang hihigit pa sa supremo ng katipunan
handang mamatay para sa inang bayan
hinangad niaya ang kalayaan at kasarinlan ng bansa
di gaya ni rizal na maging estado ng espanya.

sinasabi mang isa siyang mangmang at mahirap
nagaral at natuto siya sa sariling sikap
ngunit kalunoslunos ang kanyang sinapit
sapagkat pinatay siya ng sarilng lahi.


Jhawee

  • No I.D No Entry
  • Deep Penetration Agent
  • Trade Count: (0)
  • Active - Top Level
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 107
  • -Received: 402
  • Posts: 2672
  • 102 eCoins
  • View Inventory
  • Send eCoins to Jhawee
  • Karma 45
  • Gender: Male
  • Minors Not Allowed During School Days ! ! !
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #5 on: December 04, 2008, 06:40:14 am »
Para sa akin si Tito Bonifacio... nakipaglaban talaga sya ng patayan.....

pro wala na tayung ma gagawa kasi si Uncle Rizal na ang nasa Pwesto

 ;D

Hayblad

  • Endangered Species
  • 2007 Bravehearts
  • Trade Count: (0)
  • Active - Top Level
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 220
  • -Received: 125
  • Posts: 1498
  • 0 eCoins
  • View Inventory
  • Send eCoins to Hayblad
  • Karma 24
  • Gender: Male
  • If you have nothing good to say..SHUT THE F*CK UP!
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #6 on: December 04, 2008, 10:01:18 am »

Bonifacio rin ako by preference, ikanga eh "action speaks louder than words"

that's just me  ;D

 toast::  smoking::  toast::

deosh_pilyo

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #7 on: December 04, 2008, 01:57:48 pm »
namangha man ako at di nakapagsalita
sa bigay nyong katwiran, naparalisa yaring diwa
subalit hiling lamang, mga kaibigang makata
ito po'y balagtasan, kailangan ay inyong tula

ngayo'y lumamang na sa larangan ng bilangan
si andres bonifaciong kilala sa kanyang tapang
subalit ating henyong ginamit ay ang isipan
yung kay "Pepe" na may gusto, inyo itong ipaglaban

 ::investigate

boserongmacho

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #8 on: December 04, 2008, 03:32:48 pm »
maganda itong inyong adhika,
sa mga tanong nyo ako ay natuwa
pasalamat p rin tyo sa kanilang ginawa
sapagkat silay pareho ng adhika!


CHILO20

  • Abysmal Chef
  • 2008 Guardians
  • Trade Count: (0)
  • Active - Top Level
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 186
  • -Received: 68
  • Posts: 1041
  • 95 eCoins
  • View Inventory
  • Send eCoins to CHILO20
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • You are the reason why i fight and live on.
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #9 on: December 04, 2008, 04:32:30 pm »
pareho silang naging tulay sa ating kalayaan kung wala si rizal malamang ay hindi nya namulat ang mga katipunan at mga pilipino,
kung wala naman si bonifacio wala rin ang katipunan

pra sa akin parehas silang pambansang bayani

ang alam ng marami no read no write si bonifacio pero ang totoo matalino si bonifacio nakakapagsalita pa siya ng pranses at kastila
mahilig siya magbasa ng mga libro

si rizal naman 3 yrs old p lng marunong ng magbasa at magsulat
nakapunta ng ibat ibang bansa at nakapagaral bilang scholar
maraming alam na lenguahe
galing sa mayaman na pamilya si rizal

burdzz

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #10 on: December 04, 2008, 04:49:34 pm »
aba! mga katoto kong pilipino, sa pagpili ay dapat alamin ang totoo.
sino ba sa dalawa ang tunay nating katribo,
si rizal ba o si bonifacio?

si rizal ay may lahing oligarco, laki sa layaw at babaero
maraming babae sa kanya ay naloko, ngunit walang dinambana ang ating henyo.
sa mga aklat buhay niya ay nakasulat,
ngunit alam ba natin ang tunay niyang alamat?
kung buhay si rizal sa ating panahon ngayon?,
tiyak isa na rin siyang politiko sa ating henerasyon.

si bonifacio ay salat sa yaman,
walang ipinagmamalaki kundi ang paninindigan
pinunong matapang ngunit isang mangmang,
naagawan ni aguinaldo ng kapangyarihan.
kung si bonifacio ay buhay sa ating panahon ngayon?,
tiyak isa siyang aktibista at sa edsa palaging nandoon.

ngayon mga kapatid, saan sa dalawa na ang pananaw sa atin ay hawig?
saan sa dalawang magigiting ang ating buhay ay pwedeng ihambing?
kung ako ang tatanungin? hmm...
si lapu-lapu ang dapat national hero...



"An intellectual is someone who has found something more interesting than sex."

hush24

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #11 on: December 04, 2008, 05:24:49 pm »
minsan ko rin naisip kung sino dapat purihin
si andres ba o si pepe dapat tanghalin
na maging pambansang bayani
pero sa lahat sya lang dapat umani
oh MANNY!
oo ikaw
PAQUIAO!
ang dapat maging BAYANI!

pero habang akong naglakad sa kasada
nakita ko ang daan na sobrang ganda
pagtratrabaho nya'y todo todo
sya ba si BAYANI FERNANDO?
na tatakabo sa senado?
hindi kuya, hindi ate..
sya daw ang susunod na presidente!

AWWW!!!  ;D

Hagedorn

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #12 on: December 04, 2008, 05:29:46 pm »
sa palagay ko, hindi naman talaga matapang si jose rizal and exaggerated mga achievements nya para magmukhang 'superman' at super talino na nakapag-aral ng ilang kurso kurso.  maaaring totoo na marami siyang kursong natapos eh di fine, ang akin lang ay meron pang mas karapat dapat na maging national hero gaya ni andres bonifacio o si Manny pacquiao... sandali, pambansang kamao pala yun  ;D
Pareng Spy Daddy, what happen to Democracy? Bakit moko pinagbawalan mag post?

deosh_pilyo

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #13 on: December 04, 2008, 06:26:03 pm »
bagama't mayroong punto ang mga katoto
hiling ko lang kaibigan sa paksa ay wag lumayo
ang pambansang bayani, RIZAL ba o BONIFACIO?
piliin.. suriin.. kilatisin.. at saka bumoto

wala akong kontra kay "pacquiao" man o "bayani"
maging kay "lapu-lapu" na tunay nating kalipi
subalit ang tanong ng guro kong binibini
kasagutang hanap dito ay wag ipaghunos-dili.

kaya't bilang lakandiwa nitong inyong balagtasan
espiya... inyong turing ang tunay kong kailangan
kung ako ma'y nagkamali, inyo itong pagdamutan
pagkat ako'y di perpekto't isang hamak na tao lang.

 ::investigate

hennypenny

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #14 on: December 04, 2008, 06:57:34 pm »
both of them, (pwede ba? hehehe)

brains and brawn!
Feed my Addiction...

MANI-AL

  • Guest
  • Trade Count: (0)
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #15 on: December 05, 2008, 01:38:23 pm »
ako ay natuwa sa inyong mga pananalita
subalit sino ba talaga ang may kapit ng bandila
Rizal ba o Bonifacio ang hinihirang nating bayani?
dito sa balagtasan ako'y namamahay
para malaman ang nararandaman ng espiya kong mahal

wala man akong alam sa historya ng bayang aking mahal
ngunit sa tingin ko si KA ANDRES ang dapat itanghal
si Rizal na sumulatl sa galit na walang dahilan,
hindi naman para sa bayan, para sa sariling kapakanan

hindi siya dapat nasa piso o binabantayan ng dalawang sundalo
tignan mo ang ka andres, hanggang ngayo'y labi'y hindi mawari
Pangulong Hari ng Katagalugan ang tawag sa ating bayani
ipinapatay ni aguinaldo sa tulong ng kanyang lipin

ngaun mga katoto isipin at alamin
sino ba talaga bayaning sariling atin
rizal ba o bonifacio kayo'y magpunyagi
dahil ang binanggit ko lamang dito'y aking sarili wari

ako'y mahihiga na at bagong ligo ang aking mahal
nakahanda na ang lahat, ako nalang ang hinihintay
magandang umaga sa inyo katoto at sa kapwa kong baliw
andito na ang serbesa, magsisimula na ang HAPI-HAPI..

                        *BOW*




hennypenny

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #16 on: December 05, 2008, 02:50:43 pm »
ako ay natuwa sa inyong mga pananalita
subalit sino ba talaga ang may kapit ng bandila
Rizal ba o Bonifacio ang hinihirang nating bayani?
dito sa balagtasan ako'y namamahay
para malaman ang nararandaman ng espiya kong mahal

wala man akong alam sa historya ng bayang aking mahal
ngunit sa tingin ko si KA ANDRES ang dapat itanghal
si Rizal na sumulatl sa galit na walang dahilan,
hindi naman para sa bayan, para sa sariling kapakanan

hindi siya dapat nasa piso o binabantayan ng dalawang sundalo
tignan mo ang ka andres, hanggang ngayo'y labi'y hindi mawari
Pangulong Hari ng Katagalugan ang tawag sa ating bayani
ipinapatay ni aguinaldo sa tulong ng kanyang lipin

ngaun mga katoto isipin at alamin
sino ba talaga bayaning sariling atin
rizal ba o bonifacio kayo'y magpunyagi
dahil ang binanggit ko lamang dito'y aking sarili wari

ako'y mahihiga na at bagong ligo ang aking mahal
nakahanda na ang lahat, ako nalang ang hinihintay
magandang umaga sa inyo katoto at sa kapwa kong baliw
andito na ang serbesa, magsisimula na ang HAPI-HAPI..

                        *BOW*





magaling, magaling! saludo ako sayo! hanep! kampay mo pre!  toast::
Feed my Addiction...

barkada

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #17 on: December 05, 2008, 09:22:23 pm »
akoy namangha sa inyong mga sinulat..
si ka ANDRES ang tunay na bayani para sa akinmasakit mang isipin siya'y pinatay ng kanyang mga kalahi..

‘Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa’
Tula Ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
 
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
 
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
 
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
 
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
 
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.
 
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
 
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
 
Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.
6ydakbn1ijsyixe21xur.gif

Idiot

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #18 on: December 05, 2008, 11:58:25 pm »
Mahirap pumili mga kaibagan
Sino ba talaga ang dapat hangaan?
Ang tunay na karapat-dapat sa atin bayan
Si Rizal na madunong o Andres na Tulisan

Si Pepe ay maraming katha
Si Andres ay maraming hiwa
Nasasalalim ang mayaman at dukha
Noon pa man ay uso na sa atin bansa

Si Pepe ay lumaki ng sagana
Maraming papuri sa kanyang ina
Si Andres ay nag-hirap
buhay niya'y Napakasaklap

Ngayon si Pepe ay malaki na
Lumaban sa mga mapang-aping kastila
Gamit ang papel at tinta
katotohana'y  sinulat nya

Siya'y Lumibot sa buong mundo
Para maiwasan ang gulo
Nilimbag nya ang kanya mga libro
Pinamagatang Noli at El Filibusterismo 

Maraming nagalit sa kanya
At sya ay nahabla
Pinatapon sa bayan ng Dapitan
Noon huli binaril sa Bagung bayan

Si Ka Andres ay talunan
Yan ang sabi ng aking kaibigan
Hindi ko alam kung totoo yan
o baka tsismis lang

Lumalaki kasama ang mga kapatid
Lagi syang nagtitipid
Kapos sya sa salapi
karangyaan ang minimithi

Tinatatag ang katipunan
laban sa mapang-aping dayuhan
Sinisigaw ay kalayaan
Laban hanggang kamatayan

Nguni't layunin nya ay nabigo
kakosa sya'y pinagkanulo
Kawawang Ginoo
Kasama ang kapatid na si Porcarpio

Sa tingin ko si Rizal ang nararampat
maging bayani ng bayan sinilangan
Ang prinsipyo nya hindi pakikidigma
Kundi isang mapayapang bansa




 

mayki

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #19 on: December 06, 2008, 07:01:08 am »
Para sa akin parehas nalang  :D Pero kung ang pagbabasihan ay qualities, mas Pilipino ang ugali at pamamaraan ni Bonifacio para sa akin  8)
aza

IWM

  • Meet the real Mother F'r
  • MILF Negotiators
  • Trade Count: (0)
  • Active - Top Level
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 506
  • -Received: 1005
  • Posts: 6598
  • 187 eCoins
  • View Inventory
  • Send eCoins to IWM
  • Karma 123
  • Gender: Male
  • Hide your moms...
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #20 on: December 06, 2008, 07:07:00 am »
si rizal kasi genius talaga..nabasa ko ang buong story nya at talagang humanga ako sa kanya..
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

double agent

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #21 on: December 06, 2008, 07:21:10 am »
sa pag-uusisa at pagmumuni-muni,
naarok ng aking munting isipan,
ang sagot sa tanong ng pagkabayani,
kahit si pepe o si boni,
walang mas sisikat kay willie!

wowowee!
there is plenty of rest in death...

burdzz

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #22 on: December 08, 2008, 04:37:34 am »
O, dakilang lakandiwa, sanay palawakin pa iyong pang-unawa,
Sapagkat kami ay salat sa kaalaman, sa iyong mga katanungan,
Lalo pa't ang iba'y di alam kung ano ang balagtasan.

Likas na sa amin ang magdunong-dunongan,
Di na nag-iisip, basta't sasagot na lamang,
Payak na katuwiran, ibig pang ipagyabang,
Wala namang say-say, walang katuturan.

Kaya't sa iyong mga katanungan,
Ikaw ang higit na nakakaalam,
Kung sino ang dapat  hangaan ng bayan.
Ipagpaumanhin sana ang aking kapangahasan,
Dahil sa ako ay isa lang hamak na nilalang.
"An intellectual is someone who has found something more interesting than sex."

xxx

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #23 on: December 08, 2008, 06:35:41 am »
pede ba si pacquiao na lang?

deosh_pilyo

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #24 on: December 08, 2008, 01:57:02 pm »
O, dakilang lakandiwa, sanay palawakin pa iyong pang-unawa,
Sapagkat kami ay salat sa kaalaman, sa iyong mga katanungan,
Lalo pa't ang iba'y di alam kung ano ang balagtasan.

Likas na sa amin ang magdunong-dunongan,
Di na nag-iisip, basta't sasagot na lamang,
Payak na katuwiran, ibig pang ipagyabang,
Wala namang say-say, walang katuturan.

Kaya't sa iyong mga katanungan,
Ikaw ang higit na nakakaalam,
Kung sino ang dapat  hangaan ng bayan.
Ipagpaumanhin sana ang aking kapangahasan,
Dahil sa ako ay isa lang hamak na nilalang.


ang balagtasang tinuran ay labanan ng katwiran
paksang itinanong ay isang katha lamang
mga talatang nilikha ng inyong kaisipan
aking titipunin at saka huhusgahan

kaya't aking pakiusap sa espiyang makata
talata'y hubugin mo bago ilathala
ang tuntuning susundin ay iyong nasa paksa
at gawin mo ito sa paraan ng patula

pintuan ng paksa'y akin ng ipipinid
kaya't kaibigan, kailangan ng marinig
ang impit na boses mo'y ilabas na sa 'yong bibig
isalin mo sa isang ritmong kumpulan ng mga titik

 ::investigate



 

test